Usec. Alain Pascua, nagsalita na ukol sa maling Math equation sa DepED TV

Usec. Alain Pascua, nagsalita na ukol sa maling Math equation sa DepED TV

Sharing is caring!

May mali sa Episode #2 ng Mathematics 9 na naipalabas sa DepEd TV. Episode #56 ito na naipalabas na sa DepEd TV… Sa linear (hindi quadratic) equation na 2x=0, dapat ang divisor ay 2 (hindi zero) para makuha ang value ng x. Kaya’t 2x/2 = 0/2, cancel 2, 0/2=0… Kaya’t x=0. Ang lessons dito ay hindi pwedeng gamiting ang 0 bilang divisor kasi magiging “undefined” ang sagot.

Nasabi ito ng aking kaibigan na mula sa Batangas. Nasa Pangasinan ako at nagmomonitor ng pagbubukas ng klase. Salamat sa kanya at nakita ko ang mali. Nang buksan ko ang aking Facebook, aba’y nagviral na pala ang maling ito, at kung anu-ano na ang banat sa DepEd.Pang #56 episode na po ito.

Totoo pong may mali. Nakalusot sa QA ang portion na ito. Kaya’t minabuti kong magpost para maituwid agad itong pagkakamali. Aayusin ang video episode para kapag naiupload ito sa DepEd Commons (https://commons.deped.gov.ph/) at DepEd YouTube Channel (https://www.youtube.com/c/DepEdTV) ay tama na ang pagsolve ng formula.Humihingi po kami ng paumanhin sa ating mga mag-aaral, sa mga magulang at teachers sa pagkakamaling ito. Hihigpitan po natin ang pag-QA para maging perpekto ang ating mga episodes sa DepEd TV. Salamat po sa pagcritique sa episodes ng DepEd TV.

Sana wag lang mali ang tinitignan ng bawat isa. Sana naman ay marecognize din ang galing at sakripisyo ng ating mga Teacher-Broadcasters, mga Production Team at buong DepEd TV, DepEd Commons, DepEd YouTube Channel Teams.May maganda ring naidulot ang pagkakamali na ito at ang pagcritique sa maling ito. Ipinapaalam sa atin lahat na mahalaga ang pag-QA sa mga episodes sa at paulit-ulit na pagreview ng mga episodes kahit pagod at puyat na ang mga teams ng DepEd TV. Nalaman na rin ng buong bansa, bata o matanda, na hindi pwedeng maging divisor ang zero (0).

#LessonsLearned#DepEdTV

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: