TRENDING: Open Letter of a DepED ‘New Normal’ Teacher

TRENDING: Open Letter of a DepED ‘New Normal’ Teacher

Sharing is caring!

Dear DepEd, pramis hindi kami tumatanggi sa trabaho dahil maniwala kayo o hindi ay mahal namin ito.

Ang masakit lang naman sa amin ay ang di ninyo pagtupad ng mga pangako niyo, kaya ang mga guro ay kabi-kabila ang abono.

Saka pwede ba, tama na ang pabida sa media. Aminin na lang na talagang may problema, at baka mas maging magaan pa ang kalooban ng mga maestro’t maestra.

Siyangapala, baka pwedeng consumable na ang modules, para makatipid sa answer sheets at sayang din kasi ang imprenta.

Siguro naman next year wala na tayong pandemya. At kung pwede wag na ninyong bawalan ang mga gurong nagsosolicit ng mga materyales para sa mga bata.

May nalalaman pa kasi kayong kakasuhan pag nalaman eh sa totoo lang pinupunan lang namin ang inyong kakulangan.

Sumakit na nga ulo namin sa sinasabi nyong one-is-to-one kaya doon lang tayo sa totoo sana naman. Nakahanda na kami sa panganib pero sana maramdaman namin ang inyong malasakit!

From Dan Banal

Original Post here: https://www.facebook.com/photo?fbid=1715013135335080&set=a.216609185175490

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: