TRENDING: Guro tumawid sa sapa para mamigay ng reading materials

TRENDING: Guro tumawid sa sapa para mamigay ng reading materials

Sharing is caring!

Viral sa social media ang pagtawid ng college instructor na si Moises Palomo sa isang sapa sa Tandag City, Surigao del Sur para mamigay ng mga reading materials na gagamitin sa distance learning.

Ayon sa guro, dumaan sila sa tulay noong namigay sila ng reading materials sa mga bata. Nabali aniya ang kawayan nang siya’y dumaan at may nahulog na reading materials sa sapa kaya sinubukan niya itong abutin ngunit siya’y nahulog.

Dagdag ng guro, naniniwala siyang karapatan ang edukasyon at hiling niya’y matulungan sila na maging abot-kaya ang pag-aaral sa kanilang lugar sa kabila ng pandemiya.

Ang nakuhanang larawan ay bahagi ng advocacy project ni Palomo na ‘Distance learning amidst Pandemic.’ (📷: Moises Palomo) | via Josiah Antonio, ABS-CBN News

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: