Hiring ng 65,000 kawani ng DepED, Prayoridad Next Year

Hiring ng 65,000 kawani ng DepED, Prayoridad Next Year

Sharing is caring!

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na kabilang pa rin sa prayoridad nito sa susunod na taon ang hiring ng karagdagang teaching at non-teaching personnel.

Sa budget hearing ng DepEd sa Kamara, ayon kay Usec Jesus Mateo na nasa 988,567 ang plantilla positions sa ngayon ng ahensya habang nasa 55,807 ang mga bakanteng posisyon na kailangan pang punan.

Dagdag pa niya, nasa 10,000 na guro pa ang planong i-hire ng kagawaran para sa pagpapanatili ng ideal na pupil-to-teacher ratio.

Ayon kay Usec. Mateo, kapag maaprubahan ang pondo para sa hiring ng dagdag na guro, sisikapin ng kagawaran na mapunan ang mga bakanteng posisyon sa 2021.

Tinatayang nasa P568-billion ang proposed budget na hirit ng DepEd sa Kongreso para sa susunod na taon na pangunahing nakatutok sa pagtitiyak ng maayos na pagpapatupad ng blended learning sa bansa.

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: