UST WEBINAR: Walang Iwanan: Ang Pangangalaga sa mga Bulnerableng Sektor sa Gitna ng Pandemya, August 26

UST WEBINAR: Walang Iwanan: Ang Pangangalaga sa mga Bulnerableng Sektor sa Gitna ng Pandemya, August 26

Sharing is caring!

Libreng Webinar 2
WALANG IWANÁN: ANG PANGANGALAGA SA MGA BULNERABLENG SEKTOR SA GITNA NG PANDEMYA

Tagapanayam: Dr. Ma. Carinnes P. Alejandria at Dr. Joshua L. San Pedro

Agosto 26, 2020, Miyerkoles, 4:00-5:30 nh.

Bílang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2020 na may temang “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika: Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya”, handog ng UST Departamento ng Filipino ang serye ng mga LIBRENG WEBINAR na mag-aambag sa intelektuwalisasyon ng wikang pambansa, lalo na sa pagtalakay ng kasalukuyang krisis dahil sa COVID-19.

Para sa ikalawa nitong libreng webinar, tatalakayin nina Dr. Ma. Carinnes P. Alejandria, Lead, Social Health Studies ng UST Research Center for Social Sciences and Education (RCSSEd), at Dr. Joshua L. San Pedro, Co-convener ng Coalition for People’s Right to Health, ang pagtiyak sa karapatang pangkalusugan ng mga bulnerableng sektor sa gitna ng pandemya.

Partikular na tatalakayin ni Dr. San Pedro ang epekto ng pandemya sa mga bulnerableng sektor, ang de-kalidad na alagang pangkalusugan na dapat matanggap ng mga mamamayan, at iláng mungkahi kung paano matitiyak ang kapakanan ng mga bulnerableng sektor sa gitna ng pandemya.

Bibigyan naman ito ng kongkretong paglalapat ni Dr. Alejandria sa pagbabahagi niya ng maraming taon niyang saliksik sa estadong pangkalusugan ng mga bulnerableng komunidad sa Kamaynilaan, gaya ng Baseco, at kung paano sila humaharap ngayon sa pandemya.

Bukás ang webinar sa publiko, lalo na sa mga estudyante, guro at mananaliksik. Makatatanggap ng e-sertipiko sa pamamagitan ng link na ibibigay pagkatapos ng webinar.

Para manatiling apdeyted sa mga gawain ng UST Departamento ng Filipino, i-like/follow ang opisyal nitong FB page na UST Departamento ng Filipino – Public. Maraming salamat.

Registration Link

Link sa rehistrasyon: https://bit.ly/Walang_Iwanan



#USTBuwanNgWika2020

2 thoughts on “UST WEBINAR: Walang Iwanan: Ang Pangangalaga sa mga Bulnerableng Sektor sa Gitna ng Pandemya, August 26

  1. Naka registered po ako sa webinar at naki joined pero hindi po MA open ang ebalwasyon, makakakuha PA ba ako NG certificate po?

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: