UST FREE WEBINARS Departamento ng Filipino Agosto 24

UST FREE WEBINARS Departamento ng Filipino Agosto 24

Sharing is caring!

Libreng Webinar 1
ANG PAGSASALING TEKNIKAL BÍLANG TUGON SA COVID-19: ANG PAPEL NG PAGSASALIN SA PANAHON NG PANDEMYA
Tagapanayam: Asst. Prof. Wennielyn F. Fajilan, PhD
Agosto 24, 2020, 4:00-5:00 nh.

Bílang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2020 na may temang “Wika ng Kasaysayan, Kasaysayan ng Wika: Ang mga Katutubong Wika sa Maka-Filipinong Bayanihan Kontra Pandemya”, handog ng UST Departamento ng Filipino ang serye ng mga LIBRENG WEBINAR na mag-aambag sa intelektuwalisasyon ng wikang pambansa, lalo na sa pagtalakay ng kasalukuyang krisis dahil sa COVID-19.

Para sa una nitong libreng webinar, tatalakayin ni Asst. Prof. Wennielyn F. Fajilan, PhD, Tagapangulo ng Sentro sa Salin at Araling Salin ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang papel ng pagsasaling teknikal sa epektibong pagpapaunawa ng sanhi, epekto at pagtugon sa lumalaganap ngayong sakít, gayundin ang halaga ng wika at pagsasalin sa panahon ng pandemya.

Magiging batayan ng pagtalakay ang iba’t ibang teksto kaugnay ng COVID-19 na isinalin ng Sentro katuwang ang mga eksperto ng UST Pakultad ng Medisina at Siruhiya at iba pang organisasyon.

Bukás ang webinar sa publiko, lalo na sa mga estudyante, guro at mananaliksik. Makatatanggap ng e-sertipiko sa pamamagitan ng link na ibibigay pagkatapos ng webinar.

Para manatiling apdeyted sa mga gawain ng UST Departamento ng Filipino, i-like/follow ang opisyal nitong FB page na UST Departamento ng Filipino – Public. Maraming salamat.

Registration Link

Link sa rehistrasyon: https://bit.ly/Pagsasaling_Teknikal

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: