Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon, malugod na inihahatid ng Sentro Rizal ng National Commission for Culture and the Arts, katuwang ang Adarna House at Likha-an, ang programang Sa Kuwento Natin: E-Storytelling ng mga Katutubo at Orihinal na Alamat ng Filipinas.
Tampok dito ang mga panitikang-bayang muling isinalaysay ni National Artist for Literature, Virgilio S. Almario.
Mapapanood ang Sa Kuwento Natin sa Agosto 1, 8, 15, 22, at 29, tuwing Sabado, alas-6 ng gabi (Oras sa Filipinas) sa Sentro Rizal Youtube Channel.
Sentro Rizal – NCCA Youtube Channel
https://www.youtube.com/channel/UCThmRl8kj3TJ30T1PjlRBaw

📷: Likhang-sining ni Christina Javier
Disenyo ni Nina Martinez