Ang tulang “Paaralan sa Bagong Normal” ay naglalarawan sa magiging sitwasyon ng mga paaralan sa panahon ng pandemya o sa bagong normal. Inilalahad nito ang mga malalaking pagbabago na kinamulatan at nakasanayan natin lahat sa paaralan. Mararamdaman din natin sa tulang ito ang hinagpis ng paaralan sa pagharap sa bagong normal.

Hirap man sa kalooban ngunit ipinapahayag nito na kailangan magpakatatag alang-alang sa kaligtasan ng mga mag-aaral upang makamit ang magandang kinabukasan. Sa kabila ng pagharap sa bagong normal ay umaasa ang paaralan sa tulang ito na darating ang isang umaga na may dalang pag-asa na muling makikita ang mga mag-aaral na masayang haharapin ang buhay ng buong kasiglahan.