“Masaya ba si Myrna?”

“Masaya ba si Myrna?”

Sharing is caring!

Kuwento ni Kathelyn C. Trajano

Dahil may kinakaharap na hamon ng pandemya ang ating bansa, ang mga Pilipino ay may ugaling hindi nawawalan ng pag-asa sa anumang unos na dumating sa buhay at nakakahanap pa rin ng paraan para ngumiti. Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang pamilya na sumusunod sa batas na manatili lamang sa loob ng bahay.

Ang batang si Myrna ay ang magiging halimbawa sa lahat ng mga batang gustong-gusto ng lumabas para maglaro, mamasyal o kumain sa mga paboritong fastfoods ngunit ang kaligtasan muna ang uunahin sa panahon ng pandemya kaya ang buong kasapi ng pamilya ay totoong gumagawa ng paraan para matugunan ang lahat ng pangangailangan kahit nasa loob lamang ng tahanan. Ang kasiyahan ay hindi nasusukat sa anumang bagay sa mundo lalo na kung manggagaling sa iyong pamilya na tunay na nagmamahal sa iyo. Pinapahiwatig ng kuwentong ito na basta’t
magkakasama ang isang buong pamilya sa loob lamang ng tahanan ay walang impossible sa totoong kasiyahan na dulot ng pagmamahalan sa isa’t-isa.

coronavirus
Photo by CDC on Pexels.com

Ikaw ba ay may pamilya? Kasama mo ba sila ngayon sa panahon ng
pandemya? Kung opo ang iyong sagot, masuwerte ka! Gamitin ang oportunidad na ito upang maramdaman nila ang iyong pagmamahal sa kanila at pagkalinga na walang kapantay.

Kathelyn C. Trajano,MAED
May Akda


Masaya ba si Myrna?
Kathelyn C. Trajano
City Schools Division of Cabuyao
Bigaa Elementary School

“Hay..nakakulong na naman sa bahay.” mahinang wika ko habang nakatanaw sa maliit na bintana sa aming bahay. Kailan kaya mawawala ang virus?


“Myrna halika na at kakain na tayo ng paborito mong spaghetti.” tawag sa akin ni Ate Lani.


Hindi kami makalabas ng bahay, hindi rin makakapunta sa paborito naming kainan. Pero masarap ang lutong spaghetti ni ate. Hmmm.. sarap! Ngayon lang nagluto ng ganito si ate ah! Ubos na ang pagkain ko, malungkot na naman ako. Gusto kong maglaro sa palaruan.


“Hayyyyyy..”


“Myrna halika may ginawa akong bangkang papel, maglaro tayo. Palutangin natin sa malaking palanggana ni nanay.” wika ni Kuya Tony.
Hindi kami makapunta sa palaruan pero ang saya pala na magpalutang ng bangkang papel. Ang galing ng naisip ni Kuya Tony. Ang saya!

Weeeee..Weeeee…Weeeee…


Pagkatapos naming maglaro ay malungkot na naman ako. Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag namamsyal sa mall. May aircon doon hindi tulad dito sa bahay, Ang init!


“Myrna halika sa kuwarto, may ipapakita ako sayo.” tawag sakin ni Tatay Ben.
Pagpasok ko palang sa maliit naming kuwarto ay nakaramdam ako ng lamig!
Hmmmmm..sarap sa pakiramdam. Gumawa si tatay ng improvised aircon, gamit lang ang ice bucket at yelo. Ang henyo ni tatay, makakatulog na ako ng maayos. Hmmmmmm….


Kinabukasan, paggising ko ay nakita ko sa kalendaryo. Bertdey ko na! Kaso malungkot na naman ako. Hindi naman makalabas para mag celebrate. Dahan-dahan akong naglakad palabas ng kuwarto habang nakayuko. Bakit kaya walang maingay? Nasaan sila nanay at tatay? Si ate at kuya?


Nagtataka akong pumunta sa aming hapag-kainan, sobrang gulat ko!
May hawak si nanay na ginawa niyang espesyal na cake para sa akin.
Andun din si ate, may hawak din siyang spaghetti na paborito ko.


Si Kuya Tony, naghanda ng maraming bangkang papel.
Si tatay naman malaking ice bucket na may yelo ang ginamit para malamig sa aming hapag-kainan.


Wow! Yehey! Yehey! Hindi na ako malungkot. Masayang masaya ako kasi kasama ko ang buong pamilya ko. Da best talaga sila! Yehey!

Aral:
Kahit anong mangyari basta’t magkakasama ang buong pamilya ay isang napakalaking
bagay para tayo ay sumaya.


For more Covid19 Related Stories, check this link:

https://depedstorybooklovers.com/category/covid19-stories/

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: