Koleksiyon ng mga Tula ni Stanley Rasonabe

Koleksiyon ng mga Tula ni Stanley Rasonabe

Sharing is caring!

Ang tulang “Ang Munting Paraiso” ay naglalarawan sa isang napakagandang
lugar na hitik ng mga tanim tulad ng maraming magagandang bulaklak at iba
pang magandang tanawin.

Dito ipinanganak ang awtor na may mababait na magulang na nag-aalaga sa kanya. Ipinakita rin ng tula ang pagkakaroon ng masipag na magulang na nagtatrabaho at nagsusumikap upang matustusan ang mga pangangailangan ng buong pamilya. Sa huli nagpapasalamat ang awtor sa maraming biyaya na natanggap mula sa Poong Maykapal.

Ang tulang “ Tahana’y Yamang Tunay” ay nagpapakita sa karanasan ng
awtor sa kanyang sariling pamilya. Siya ay masaya sa mundong kanyang
kinalakihan. May mapagmahal na mga magulang at kapatid. May magandang hardin na paligid ng kanilang bahay.

Dito sa lugar nila ay natuto siya sa maraming bagay lalo na sa magandang pag–uugali na kailangan upang maging isang responsableng tao sa lipunan. Sa huli nagpapasalamat ang awtor sa Maykapal dahil sa lahat na biyayang kanyang natanggap.

Ang Tulang” Walang Hadlang sa Magpasawalang-hanggan” ay
tungkol sa pag-iibigan ng dalawang nilalang. Nagsimula sila sa
pagkakaibigan hanggang sa dumating ang araw na sila ay
nagkamabutihan at umibig sa isat-isa.

Ngunit dumating ang araw na sila ay pinaglayo ng tadhana ngunit hindi ito naging hadlang upang mamatay ang kanilang nadarama. Sila ay nagkaroon pa rin ng komunikasyon gamit ang teknolohiya. Sa huli ay nagwakas sila sa masayang pag-iibigan.

Read more poems here: https://depedstorybooklovers.com/category/tulang-pambata/

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: