“I DON’T WANT MILK”

“I DON’T WANT MILK”

Kuwento ni NANCY CRUZ- CUEVAS

Ang kuwento tungkol sa istoryang nakasulat sa ingles at pinamagatang I DON’T WANT MILK!” ay sariling likha tungkol sa isang batang ayaw uminom ng gatas sa kadahilanang ayaw niya ng lasa nito. Ginawa ang istilo sa payak, maigsi gamit ang simpleng pananalita na higit na mauunawaan ng maliliit na bata.

Pinapakita sa kuwento , hindi man sa hayag kung ano ang magandang naidudulot ng gatas sa mga bata katulad na lng pagkawala ng mga ngiping ating iniingatan.

baking basket book bottle
Photo by Pixabay on Pexels.com

Ginamitan ng sumulat ng isang presentasyon kung saan ang mga ngipin ng bata ay kumilos na parang isang tao, nagsalta at nagreklamo sa kadahilanang ang pangunahing tauhan ay hindi umiinom ng gatas na higit nilang kailangan upang maging malakas at matibay ang ngipin. Ang pagbabago ng tauhan sa bandang huli ay magandang resulta o kinalabasan ng minsan itong managinip.

Ang simpleng twist o ikot ng kuwento sa mabilis at walang paligoy-ligoy
na paraan ang hihikayat sa mga bata para lalo pa silang maganyak na basahin o pakinggan ang kuwento ng walang halong pagkainip lalo na at kilala ang mga maliliit na bata na masydong maikli ang attention span.
Hindi man ganoong kahaba ang kuwento at ang illustration ay hindi ganoong perpekto. Ang mga kulay na ginagamit ay sapat na upang maibigan ng isang munting bata. Ang maikling istorya ay naglalayong magturo asa mga bata na sa kahalagan ng paginom ng gatas lalo na sa kanilang mga ngipin.

NANCY CRUZ- CUEVAS


Read story here:

For more Children’s Literature, visit here: https://depedstorybooklovers.com/category/pagguhit-ng-kuwentong-pambata/

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: