Tula para sa mga Frontliners
Ni: Jan Michael C. Sotto, HT-III, Bocaue, Bulacan

Sharing is caring!

Tula para sa mga Frontliners
Ni: Jan Michael C. Sotto

Noong una’y di pa lubos tumitimo,
Sa aming isipan ang nangyayari sa mundo,
Tila baga ang lahat ay isa lamang laro,
Kaya kami, sa umpisa’y hindi nagseryoso.

Ayan na nga, dahil sa aming pangbabalewala,
Bilang ng may Covid lumobo ng bigla,
Ngayon kami’y napaisip kung paanong lumalala,
Bigla naming naramdaman na kami pala ang may sala…

Sorry sa aming mga pagsuway,
Sa mga alituntunin ng gobyerno na sa amin ay umaalalay,
Sorry kami’y naging pasaway,
Sa kakalabas kami’y hindi maglubay.

Kaya naman ngayon gusto naming bumawi,
Lalo na sa mga Frontliners na dati’y sa isip namin di sumasagi,
Di namin naisip na sa lahat kayo ang pinakahirap,
Sorry sa paglalagay sa sitwasyon na kung sana’y sumunod kami ay
di niyo ngayon kinahaharap.

Nakakapanlumong isipin na ang hanay niyo ay nababawasan,
Natalo sa laban dahil sa aming kagagawan,
Naging makasarali kami, naging gahaman,
Hindi namin inisip ang inyong kalagayan.

Huli man pero sa tingin namin ay maihahabol,
Ang paghingi ng tawad, sa inyo namin iuukol.
Kung sa noon pa lang kami ay nakinig,
Hindi sana malalagay ang buhay niyo sa panganib.

Kaya ngayon kami’y aayos na,
Sa mga paalala ay makikiisa na,
Iisipin namin ang inyong sakripisyong ginagawa,
Makikipagtulungan kami para ang Covid ay mapuksa.

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: