Short Interview: Aldous Samonte, awtor ng self-published book na Sariya

Sharing is caring!

Naisipan kong mag-interview kay Ginoong Aldous Samonte dahil isa siyang manunulat na nagself-publish ng kaniyang akda. Maaaring maging inspirasiyon ito ng mga guro na nagnanais magself-publish ng kanilang mga kuwento.

Sariya: Ang inspirasiyon ng aklat ni Aldous Samonte ay ang mga batang refugee sa bansang Syria na nilalangoy ang dagat para sa sariling kaligtasan

1. Gaano ka na katagal nagsusulat ng aklat-pambata?

2017 noong naisulat ko ang Sariya.

2. Saan ka kumuha ng inspirasyon sa pagsulat ng Sariya?

Inspired ito sa kwento ng mga batang refugee sa bansang Syria na tumatawid ng dagat para mailigtas ang kanilang mga sarili. Pero, marami sa kanila ang hindi pinapalad.

3. Ano ang kahalagahan ng mga printed books sa kabataan?

Mahalaga kapag actual na libro ang hawak ng mga bata, dahil mas nakiklala nila ang letra at salita, lalo na ang mensahe nito. Mas nagiging personal ang isang libro para sa kanila, kumpara sa pagbabasa gamit ang laptop at tablet

4. Sino-sino ang mga sources of inspiration mo para mag-self publish?

Nagkaroon ako ng idea sa self – publishing noong umattend ako ng seminar ng Central Books kung saan speaker si Ms. Bebang Wico Siy.
Mas tumaas ang pagtingin ko noon sa libro, dahil sa masusing proseso nito.

5. Ano ang mga payo mo sa mga guro na nais mag-self-publish ng kanilang akda?

Ang mga guro talaga ang isa sa mga dapat na may self – publish na libro dahil sila ang mas nakakakilala sa mga mambabasa, ang mga bata.

Masaya ang pagself – publish ng libro lalo na ang layunin nito ay mabuti.

Siguradong papangarapin din ng mga bata na maging author, dahil sa mga guro nilang author din.

6. Saan makakabili ng kopya ng Sariya?

Mabibili ang librong Sariya sa Lazada, sa bansang Vietnam at soon sa National Bookstore at Myanmar.

Si Aldous Samonte ay isang cabin crew sa Philippine Airlines. Mahilig siyang magbasa ng mga kuwentong pambata, at bumili ng libro sa mga secondhand bookstore saan man siya mapadpad.

https://www.youtube.com/channel/UCEfBq8fQUNybLLZdzN8MG0A

Opisyal na YT Channel natin!
Si Titser na maraming ganap ngayong Quarantine! Dito i-upload ang mga lahat ng tutorial videos, live streaming ng seminar at marami pa!

Kaya mahal kong Titser, subscribe na!

Ilike ang FB Page Storybook Org PH at magsubscribe sa website http://www.depedstorybooklovers.com.

Leave a Reply