AMBAG-TULA: CALL FOR SUBMISSIONS DETAILS

Sharing is caring!

Iniimbitahan namin ang mga makata para sa mga bata na mag-ambag sa inihahandang antolohiya na tentatibong pinamagatang Managinip, Mangarap: Mga Tulang Pambata sa Panahon ng Pandemya. Ang antolohiya ay hindi ipagbebenta. Ipapamamahagi ito sa anyo ng ebook na libreng ipamamahagi sa bansa.

Ang tulang pambata ay kailangang pumaksa sa karanasan at pananaw ng mga bata sa panahon ng pandemya sa paraang nang-aaliw, imahinatibo, o kaya’y mapanuri.
Maaaring malayang taludturan o tradisyonal ang tula na nakasulat sa wikang Filipino.
Isa hanggang tatlong tula ang maaaring ipasa ng isang manunulat. Isumite ang word file sa batangmalayaph@gmail.com.
Kasama sa dokumentong isusumite ay ang inyong maikling bionote (isa hanggang dalawang pangungusap lamang).
Tungkulin ng mga patnugot na piliin ang mga tula batay sa sumusunod na pamantayan: makabatang gamit ng wika at nilalaman, orihinalidad, at kasiningan. Sila rin ang mamahala sa produksiyon ng ebook tulad ng lay-out, blurb, cover design, at pamamahagi.
Hihintayin namin ang inyong mga tula hanggang MAYO 15, 2020.

Mga Patnugot
Eugene Y. Evasco – propesor, manunulat, at iskolar ng panitikang pambata
John Ronnel G. Popa – guro, manunulat, at ilustrador para sa mga bata


https://www.youtube.com/channel/UCEfBq8fQUNybLLZdzN8MG0A

Opisyal na YT Channel natin!
Si Titser na maraming ganap ngayong Quarantine! Dito i-upload ang mga lahat ng tutorial videos, live streaming ng seminar at marami pa!

Kaya mahal kong Titser, subscribe na!

Ilike ang FB Page Storybook Org PH at magsubscribe sa website http://www.depedstorybooklovers.com.

4 Replies to “AMBAG-TULA: CALL FOR SUBMISSIONS DETAILS”

  1. 😊👍♥️

    On Sun, Apr 26, 2020, 7:52 PM Dep-Ed Storybook Organization, wrote:

    > Jeron Tanglaw posted: ” Iniimbitahan namin ang mga makata para sa mga bata > na mag-ambag sa inihahandang antolohiya na tentatibong pinamagatang > Managinip, Mangarap: Mga Tulang Pambata sa Panahon ng Pandemya. Ang > antolohiya ay hindi ipagbebenta. Ipapamamahagi ito sa anyo ng e” >

Leave a Reply