Akala ng Maliit: Tulang Pambata ni Bebang Siy, Premyadong Manunulat at Copyright Advocate

Sharing is caring!

Si Beverly Wico Siy ay isang nanay na manunulat, tagasalin, at copyright advocate. Mayroon siyang siyam na aklat na nilathala ng mainstream at independent publishing companies. Basahin ang kanyang mga akda at tips sa pagsusulat sa babe-ang.blogspot.com.
Akala ng Maliit: Audio Visual Presentation

Ang Akala ng Maliit
ni Beverly Wico Siy

Akala ng isda, pagkain.
Akala ng ibon, puwedeng tukain.
Sa plastik ay ganyan ang tingin
Nitong mga hayop sa langit at baybayin.

Kaya bago magtapon ng plastik,
Huminto saglit, at mag-isip.
Baka puwede pa iyang magamit
Kaysa mapunta sa tiyan ng maliit.


Si Bebang Siy ang unang naging mentor ni Jeron Tanglaw sa pagsulat ng kuwentong pambata.

Ilike ang FB Page Dep-Ed Storybook Org at magsubscribe sa website http://www.depedstorybooklovers.com.

Leave a Reply