Kumusta mga bata! Ito na ang magandang pagkakataon upang makilala ka at ang iyong malikhaing mga drawing sa pamamagitan ng website.
Open ito sa mga mag-aaral mula Elementary hanggang Senior High School. Walang limitasyon sa gagamitin na medium sa pagguhit, traditional man o digital.
Iupload ang iyong likha sa inyong personal Facebook. Kung wala namang Facebook ay maaaring ang iyong guro ang mag-post sa social media. Gamitin ang #depedstorybooklovers at #earthweekchallenge sa pagpopost.
I-popost rin sa official page at sa website ang iyong obra. Maraming salamat! Padayon, kapatid! Alagaan at mahalin ang kalikasan!

Patuloy na gumuhit at magsulat para sa kapuwa! Salamat!