Bagong Malaya ni Rafael Martinez

Sharing is caring!

Siya si Rafael E. Martinez, nagtapos ng kolehiyo sa Bulacan State University (Main Campus) sa kursong Bachelor of Science in Industrial Education Major in Drafting Technology. Nakaranas din siyang maging freelance illustrator sa isang publishing house at naging dahilan ito upang mapanday ang kaniyang talento sa pagguhit sa mga aklat pambata. Bata pa lamang ay mahilig na siyang gumuhit. Kaya sa anim na taon niya bilang guro sa Guiguinto National Vocational High School naging madali sa kaniya ang pagtuturo ng mga subjects tulad ng Visual Arts at Technical Drawing. Naging tulay din ang pagkakaroon niya ng National Certificate sa Visual Graphic Design at Illustration upang maging on-call trainer sa Manila International Skills Academy sa Sta.Ana, Manila.
Nakaraan lamang ay sumali siya sa Regional Contest in Graphic Designing for Story Book Writing at pinalad na magwagi ng dalawang kwentong pambata. Isa sa mga kwentong ito ay ang Entabladong de Gulong na isinulat ni Andrew Valentino na naging national qualifier. Ang paligsahang ito ay naging tulay upang mapalapit siya sa mga ilustrasyon at kwentong pambata. Pangarap niyang makabuo ng isang kwentong pambata na may magagandang aral. Para sa kaniya ito ay bagong hamon sa kaniyang karera bilang ARTITSER (Artist at Titser).

Maaaring i-download ang larawan sa ibaba.

Ilike ang FB Page Dep-Ed Storybook Org at magsubscribe sa website http://www.depedstorybooklovers.com.

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: