Libreng Aklat Tungkol sa Covid19: May Pila sa Tapat ng Aming Bahay nina Reggie Rey C. Fajardo at Julie Anne V. Vertudes

Sharing is caring!

Hello kapatid!

Nagsimula ang lahat sa kwentuhan sa messenger, tungkol sa mga buhay buhay habang umiiral ang ECQ kaya naisip ni Reggie (awtor) na gumawa ng kwentong pambata. naiisip namin, ano kaya ang iniisip at pakiramdam ng mga bata ngayon? Pihado marami silang tanong.


Bahagi rin nito ang aming adbokasiya para sa free mass testing para sa lahat. ito yung nakikita naming paraan kung paano ipaliliwanag sa bata (at maging sa mga nakatatanda) kung bakit mahalaga ang pagsasagawa ng mass testing sa bansa.
bilang pag-aalay, inihahandog namin ito sa lahat ng mga batang naiinip na sa kanilang mga tahanan (kaya naglagay rin kami ng kaunting worksheet), at higit sa lahat para sa mga frontliners na patuloy na lumalaban para sa kapakanan ng kalusugan ng sambayanan.

Kaunting karagdagang background ng author at illustrator, pinagtagpo kami ni Reggie Rey C. Fajardo sa pamamagitan ng Campus Journalism, sya bilang consultant ng ilang pahayagang pampaaralan, at ako naman bilang school paper adviser sa Division of Cavite. nagpatuloy pa rin ang aming passion kahit napalipat na ako bilang Project Development Officer II ng LRMS Cavite, at sya naman bilang guro sa Bulacan State University.

Huwag kalimutang mag-subscribe sa http://www.depedstorybooklovers.com

Ilike ang Facebook Page: Dep-Ed Storybook Org.

Leave a Reply

shares
%d bloggers like this: