Ilang taon mula nang ilunsad ng Department of Education ang patimpalak sa pagsulat ng panitikang pambata, napakaraming mag-aaral na ang nakinabang sa mga aklat na likha ng mga guro. Ang mga aklat-pambata na ito ay hindi basta lamang aklat, kundi repleksiyon ng kultura, tradisyon, pamumuhay at mga pananaw ng mga manunulat at ilustrador mula iba’t-ibang sulok ng Pilipinas.

(Photo from News Beast PH)
Ang mga kuwentong pambata ay nakatutulong din sa pagpapaunlad ng literasi ng mga kabataan. Nakabatay ang mga kuwento sa learning competencies na itinakda ng Dep-Ed sa bawat kurikulum ng mga asignatura. Higit sa lahat, nagiging daan ito upang mabigyan ng pagkakataon ang mga guro na mapaunlad ang kanilang talento sa pagsulat at pagguhit. Ayon sa premyadong manunulat na si Genaro Gojo Cruz, “Sa lahat ng ating ginagawa, ang panalo rito ay mga bata.”

Bilang guro, marami sa atin ang nahumaling sa mga aklat pambata bilang koleksiyon sa sariling mga library sa silid o di kaya’y mga adbokasiya na makatutulong sa pagtugon sa mga social issues ng bansa. Kung may dapat magsulat para sa mga bata, ito ay ang mga guro na mas nakakaalam ng mga dinaranas ng mga kabataan. Nagiging gamot ang mga panitikang pambata sa pagsagot sa mga katanungan ng bata. Maaaring ang akda na iyong isinulat ay sagot sa matagal nang problema ng mga bata. Sa madaling salita, makapangyarihan ang isang kuwentong-pambata kung magiging personal ito at relevant sa mga babasang bata.
Ayon kay Eugene Evasco, ang manunulat na nagsusulat ng kuwentong pambata ay dapat na may puso para sa panitikang pambata. Sa madaling salita, natutugunan niya ang interes, pangangailangan at kapasidad ng batang mambabasa. Bukod dito, hindi matatawag na kuwentong pambata ang isag akda kung ang karakter ay hindi nakapokus sa bata.
Kung nais magsulat para sa bata, mainam na magbasa nang magbasa ng panitikang pambata, lokal man o internasyunal. Puwede ring matutuhan ang teknika kung maususing aaralin ang akda. May dalawang lapit ang pagsusuri ng mga akdang pambata:
- Tekstuwal- Ito ay nakatuon sa pagsusuri ng mga elemento ng maikling kuwento para mabatid kung nararapat ito sa target audience o mambabasa
- Kontekstuwal- Ang kontekstuwal na lapit naman ay may kinalaman naman sa produksiyon ng panitikan. Bakit isinulat ang tekstong ito? Ano ang nag-udyok sa manunulat para isulat ito?

Photo by Travel Authentic Philippines
Sa mga susunod na mga blogs ay hihimayin natin kung paano isinusulat ang kuwentong-pambata, ang teknika, sining, bokabularyo, at estilo. Palagi nating tatandaan na ang mga makikinbang sa lahat ng ating mga akda ay ang pagsulong ng kaisipan ng mga bata, pag-unlad ng kultura, paglinang sa kanilang kakayahan at paggamot sa mga isyung panlipunan.
Maligayang pagbabasa!
Hello sir, pa-grant access naman po sa gdrive. salamat po ng marami.
[…] DEPED COMMONS: SELF LEARNING MODULES QUARTER 2 KEY STAGE 1 (K-3) […]
[…] GMRC in schools: Hot topic amidst youth involvement in shooting incident […]
[…] ALL IN SLMs Package: Quarter 1-Quarter 2 (All Subjects Kinder-SHS) […]
thank you for sharing these po! God bless! <3